Add parallel Print Page Options

21 “At ako, si Haring Artaxerxes, ay gumagawa ng utos para sa lahat ng ingat-yaman sa lalawigan sa kabila ng Ilog: Anumang hingin sa inyo ni Ezra na pari, na eskriba ng kautusan ng Diyos ng langit ay gawin nang buong sikap,

22 hanggang sa isandaang talentong pilak, isandaang takal ng trigo, isandaang takal[a] na alak, isandaang takal na langis, at asin na walang takdang dami.

23 Anumang iniutos ng Diyos ng langit, gawin ito nang lubos para sa bahay ng Diyos ng langit; baka ang kanyang poot ay maging laban sa kaharian ng hari at ng kanyang mga anak.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezra 7:22 Sa Hebreo ay bat .