Font Size
Filipos 1:26-28
Ang Salita ng Diyos
Filipos 1:26-28
Ang Salita ng Diyos
26 Ito ay upang kung muli ninyo akong makasama ay mag-umapaw ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus dahil sa akin.
27 Kinakailangang mamuhay kayong karapat-dapat sa ebanghelyo ni Cristo upang kung ako ay pumunta riyan at makita kayo o hindi man ay makabalita ako ng patungkol sa inyo, na kayo ay nananatiling matatag sa iisang espiritu at iisang isipan at sama-sama ninyong ipinagtatanggol ang pananampalataya ng ebanghelyo. 28 At hindi kayo maaaring takutin sa anumang paraan ng inyong mga kaaway. Sa kanila, ito ay maliwanag na palatandaan patungo sa kanilang ikapapahamak. Para sa inyo, ito ay sa ikaliligtas, at ito ay mula sa Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International