Font Size
Filipos 2:15-17
Ang Salita ng Diyos
Filipos 2:15-17
Ang Salita ng Diyos
15 Gawin ninyo ang gayon upang walang anumang maipaparatang sa inyo at kayo ay maging dalisay, mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at lihis. Magliwanag kayo sa kanilang kalagitnaan tulad ng mga liwanag sa sanlibutan. 16 Inyong itanghal ang salita ng buhay upang may ipagmapuri ako sa araw ni Cristo na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal nang walang kabuluhan. 17 Subalit kung ako ay ibubuhos ng Diyos tulad ng haing ibinubuhos sa ibabaw ng handog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, matutuwa at magagalak akong kasama ninyo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International