Add parallel Print Page Options

At nakikiusap din ako sa iyo, tapat kong kasama sa pangangaral, na tulungan mo ang mga babaeng ito. Sapagkat katulong ko sila sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama nina Clement at ng iba ko pang kamanggagawa na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay.[a]

Magalak kayong lagi sa Panginoon! Inuulit ko, magalak kayo!

Ipakita nʼyo sa lahat ang kagandahang-loob ninyo. Malapit nang dumating ang Panginoon!

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:3 aklat ng buhay: Dito nakasulat ang pangalan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan.