Add parallel Print Page Options

18 Tatlong taon pa ang nagdaan (A) bago ako nagtungo sa Jerusalem upang dalawin si Pedro.[a] Namalagi akong kasama niya ng labinlimang araw. 19 Ngunit wala akong nakitang ibang apostol, maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. 20 Sa harap ng Diyos ay tinitiyak ko sa inyo na ang lahat ng isinusulat kong ito'y hindi pagsisinungaling.

Read full chapter

Footnotes

  1. Galacia 1:18 Sa orihinal ay Cefas.