Font Size
Galacia 3:21-23
Ang Salita ng Diyos
Galacia 3:21-23
Ang Salita ng Diyos
21 Kaya nga, kung magkagayon, ang kautusan ba ay laban sa mga pangakong ibinigay ng Diyos? Huwag nawang mangyari. Ito ay sapagkat kung maaring makapagkaloob ng isang kautusan na makakapagbigay ng buhay, tunay ngang ang pagpapaging-matuwid ay sa pamamagitan ng kautusan. 22 Subalit ang hangganang itinakda ng kasulatan ay, ang bawat isa ay nasa ilalim ng kasalanan upang ang pangako na dumating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa lahat ng mga nananampalataya.
23 Ngunit bago dumating ang pananampalataya, tayo ay nabilanggo sa ilalim ng kautusan, at nilagyan ng hangganan para sa pananampalataya na ihahayag pagkatapos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International