Add parallel Print Page Options

17 Masigasig ang mga taong iyan upang mahikayat kayo, subalit hindi mabuti ang kanilang layunin. Ang naisin nila ay ang ilayo kayo sa akin, upang kayo'y sa kanila maging masigasig. 18 Mabuti naman ang maging laging masigasig, basta para sa mabuting layunin. Gawin ninyo lagi ito at hindi lamang kapag kaharap ninyo ako! 19 Minamahal kong mga anak! Para sa inyo'y muli akong dumaranas ng hirap gaya ng isang babaing nanganganak, hanggang hindi nabubuo sa inyo ang pagkatao ni Cristo.

Read full chapter