Font Size
Galacia 4:27-29
Ang Biblia, 2001
Galacia 4:27-29
Ang Biblia, 2001
27 Sapagkat(A) nasusulat,
“Magalak ka, ikaw na baog, ikaw na hindi nanganganak;
bigla kang umawit at sumigaw, ikaw na hindi nakakaranas ng sakit sa panganganak;
sapagkat mas marami pa ang mga anak ng pinabayaan
kaysa mga anak ng may asawa.”
28 At kayo, mga kapatid, tulad ni Isaac, ay mga anak ng pangako.
29 Subalit(B) kung paanong inusig noon ng ipinanganak ayon sa laman ang ipinanganak ayon sa Espiritu, gayundin naman ngayon.
Read full chapter