Font Size
Gawa 1:8-10
Ang Salita ng Diyos
Gawa 1:8-10
Ang Salita ng Diyos
8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating na sa inyo ang Banal na Espiritu. Kayo ay magiging mga patotoo sa akin sa Jerusalem, sa buong Judea, sa Samaria at sa pinakamalayong bahagi ng lupa.
9 Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, habang sila ay nakamasid, siya ay dinala paitaas. At ikinubli siya ng isang ulap sa kanilang paningin.
10 Nang nakatitig sila, habang siya ay pumapaitaas, narito, dalawang lalaki na nakaputing damit ang tumayo sa tabi nila.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International