Font Size
Gawa 15:21-23
Ang Salita ng Diyos
Gawa 15:21-23
Ang Salita ng Diyos
21 Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat.
Ang Sulat ng Kapulungan sa mga Mananampalatayang Gentil
22 Nang magkagayon, minabuti ng mga apostol at ng mga matanda gayundin ng buong iglesiya na humirang ng mga lalaking mula sa kanila upang suguin sila sa Antioquia kasama nina Pablo at Bernabe. Sila ay sina Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas na mga tagapanguna sa mga kapatid.
23 Sumulat sila ng ganito:
Kaming mga apostol, mga matanda at mga kapatid ay bumabati sa inyo na aming mga kapatid na nasa mga Gentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International