Font Size
Gawa 19:9-11
Ang Salita ng Diyos
Gawa 19:9-11
Ang Salita ng Diyos
9 Ang ilan ay nagmatigas at ayaw maniwala. Sa harapan ng maraming tao pinagsalitaan nila ng masama ang Daan. Kaya umalis siya sa kanila. Inihiwalay niya ang mga alagad mula sa kanila at araw-araw ay nakikipagkatwiranan sa paaralan ni Tirano. 10 Ito ay tumagal ng dalawang taon. Anupa’t ang lahat ng nakatira sa Asya ay nakarinig ng salita ng Panginoong Jesus. Sila ay ang mga Judio at gayundin ang mga Griyego.
11 Ang Diyos ay gumawa ng mga di-pangkaraniwang himala sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International