Add parallel Print Page Options

19 Naglingkod ako sa Panginoon nang may kapakumbabaan at pagluha.[a] Maraming kahirapan ang tiniis ko dahil sa masasamang balak ng mga Judio laban sa akin. 20 Alam din ninyo na wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa mga bagay na para sa inyong ikabubuti, na itinuro ko sa publiko at sa bahay-bahay. 21 Pinaalalahanan ko ang mga Judio at mga hindi Judio na kailangan nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Dios, at sumampalataya sa ating Panginoong Jesus.

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:19 pagluha: Marahil dahil sa kanyang pagdadalamhati para sa mundo.