Font Size
Gawa 22:28-30
Ang Salita ng Diyos
Gawa 22:28-30
Ang Salita ng Diyos
28 Sumagot ang pinunong-kapitan: Binili ko ng malaking halaga ang pagkamamamayang ito.
Sinabi ni Pablo: Ako ay ipinanganak na gayon.
29 Agad na lumayo sa kaniya ang mga magsisiyasat sana sa kaniya. Ang pinunong-kapitan ay natakot din naman nang malaman na siya ay taga-Roma at sa dahilang siya ang nagpagapos kay Pablo.
Sa Harap ng Sanhedrin
30 Kinabukasan, ibig niyang matiyak ang dahilan kung bakit isinakdal siya ng mga Judio. Pinakawalan siya ng kapitan sa pagkagapos at ipinag-utos niyang magpulong ang mga pinunong-saserdote at ang buong Sanhedrin. Ipinanaog niya si Pablo at iniharap sa kanila.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International