Add parallel Print Page Options

12 Ni hindi nila ako nasumpungan na nakiki­pagtalo sa templo sa kanino man. Hindi nila ako nasumpungang namumuno ng magulong pagtitipon ng maraming tao, ni sa mga sinagoga, ni sa lungsod. 13 Ni hindi rin nila maipakita sa iyo ang katibayan ng mga bagay na ipinaparatang nila ngayon laban sa akin. 14 Ngunit inaamin ko sa iyo na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta ay gayon ang paglilingkod ko sa Diyos ng aming mga ninuno. Sinasampalatayanan ko ang lahat ng mga bagay na nakasulat sa kautusan at sa aklat ng mga propeta.

Read full chapter