Add parallel Print Page Options

Napagkikilala nila mula pa nang una, kung ibig nilang sumaksi, na alinsunod sa pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon ay nabuhay akong isang Fariseo. Nakatayo ako ngayon upang hatulan dahil sa pag-asa sa pangakong ginawa ng Diyos sa aming mga ama. Dahil doon ang aming labingdalawang lipi ay marubdob na naglilingkod sa Diyos gabi’t araw na inaasahang darating. O Haring Agripa, at patungkol sa pag-asang ito ay isinasakdal ako ng mga Judio.

Read full chapter