Font Size
Gawa 28:17-19
Ang Salita ng Diyos
Gawa 28:17-19
Ang Salita ng Diyos
Binantayan si Pablo Habang Nangangaral sa Roma
17 Nangyari na pagkaraan ng tatlong araw, tinipon ni Pablo ang mga pinuno ng mga Judio. Nang magkatipon na sila, sinabi niya sa kanila: Mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anumang laban sa mga tao o sa mga kaugalian ng mga ninuno ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga-Roma.
18 Nang ako ay masiyasat na nila, ibig sana nila akong palayain sapagkat walang anumang maipaparatang laban sa akin na nararapat sa kamatayan. 19 Ngunit nang magsalita laban dito ang mga Judio, napilitan akong umapela hanggang kay Cesar. Hindi sa mayroon akong anumang sukat na maisakdal laban sa aking bansa.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International