Add parallel Print Page Options

22 Ngunit ibig naming marinig mula sa iyo kung ano ang iniisip mo sapagkat alam naming ang mga tao sa lahat ng dako ay totoong nagsalita ng laban sa sektang ito.

23 Nang makapagtakda na sila ng isang araw sa kaniya, pumaroon sa kaniyang tinutuluyan ang lubhang maraming tao. Ipinaliwanag niya sa kanila ang bagay na sinasaksihan ang paghahari ng Diyos. Sila ay hinihimok niya patungkol kay Jesus, sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at sa pamama­gitan ng aklat ng mga propeta. Ito ay ginawa niya mula sa umaga hanggang sa gabi. 24 Ang ilan ay naniwala sa mga bagay na sinabi niya at ang ilan ay hindi naniwala.

Read full chapter