Add parallel Print Page Options

16 Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa lugar ng Nod,[a] sa bandang silangan ng Eden.

Ang mga Lahi ni Cain

17 Sumiping si Cain sa asawa niya. Nagbuntis ito at nanganak ng lalaki at pinangalanan nila siyang Enoc. Nagpatayo si Cain ng isang lungsod at pinangalanan niya itong Enoc kagaya ng pangalan ng kanyang anak. 18 Si Enoc ay may anak ding lalaki na ang pangalan ay Irad. Si Irad ang ama ni Mehujael; si Mehujael ang ama ni Metusael; at si Metusael ang ama ni Lamec. 19 Si Lamec ay may dalawang asawa na sina Ada at Zila. 20 Ipinanganak ni Ada si Jabal na siyang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga tolda, na nag-aalaga ng mga hayop. 21 May kapatid si Jabal na lalaki na ang pangalan ay Jubal, na siyang pinagmulan ng lahat na tagatugtog ng alpa at plauta. 22 Si Zila ay nagkaanak din ng lalaki na ang pangalan ay Tubal Cain. Si Tubal Cain ay gumagawa ng lahat ng klase ng kagamitan mula sa bakal at tanso. May kapatid siyang babae na si Naama.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:16 Nod: Maaaring ang ibig sabihin, kahit saang lugar na lang pumupunta.