Add parallel Print Page Options

35 Nagdalang-tao siyang muli at lalaki pa rin ang kanyang anak. Sinabi niya, “Ngayo'y pupurihin ko si Yahweh.” Kaya't tinawag niya itong Juda.[a] Pagkatapos noo'y hindi na siya nagkaanak.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 29:35 JUDA: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Juda” at “pupurihin” ay magkasintunog.

19 Sa lipi naman ni Juda, hindi kabilang sina Er at Onan na namatay sa Canaan, ay 20 ang mga angkan nina Sela, Fares, Zara, 21 Hezron at Hamul.

Read full chapter

Ang mga anak ni Juda kay Bat-sua na isang Canaanita ay sina Er, Onan at Sela. Ang panganay niyang si Er ay naging masama sa paningin ni Yahweh kaya ito'y pinatay. Sina Peres at Zera naman ang naging mga anak niya kay Tamar na kanyang manugang, kaya limang lahat ang anak ni Juda.

Ang mga anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul. Ang kay Zera naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda. Limang lahat ang naging anak ni Zera.

Read full chapter