Add parallel Print Page Options

Ang Lahi ni Adan(A)

Ito(B) ang kasaysayan ng lahi na mula kay Adan. Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya ito ayon sa kanyang larawan. Sila'y(C) nilikha niya na lalaki at babae, at matapos pagpalain, sila'y tinawag niyang “Sangkatauhan”.[a] Si Adan ay 130 taon nang maging anak niya si Set na kanyang kalarawan. Nabuhay pa siya nang walong daang taon, at nagkaroon pa ng mga anak na lalaki't babae.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 5:2 Sangkatauhan: o kaya'y Adan .

Mga Talaan ng mga Angkang Pinagmulan ng Israel

Si Adan ang ama ni Set at si Set ang ama ni Enos. Si Enos ang ama ni Kenan at si Kenan ang ama ni Mahalalel na ama ni Jared. Si Jared ang ama ni Enoc, at anak ni Enoc si Matusalem na ama ni Lamec. Si Lamec ang ama ni Noe at mga anak naman ni Noe sina Shem, Ham at Jafet.

Read full chapter