Add parallel Print Page Options

Ang Kasamaan ng Sangkatauhan

Napakarami(A) na ng mga tao sa daigdig nang panahong iyon. Nagkaroon sila ng mga anak na babae. Nang makita ng mga anak ng Diyos[a] na ang mga babaing anak ng tao ay magaganda, ang mga ito'y pumili sa kanila ng kanya-kanyang asawa. Sinabi ni Yahweh, “Hindi ko ipapahintulot na mabuhay nang habang panahon ang tao, sapagkat siya'y makalaman. Hindi na lalampas sa 120 taon ang kanyang buhay sa daigdig.” Nang(B) panahong iyon, may mga higante sa ibabaw ng lupa. Sila ang naging bunga ng pakikipagtalik ng mga anak ng Diyos sa mga anak ng tao. Ang mga higanteng iyon ay tinanghal na mga dakilang bayani at tanyag na tao noong unang panahon.

Nakita(C) ni Yahweh na laganap na ang kasamaan ng tao sa daigdig, at puro kasamaan na lamang ang palaging nasa isip nito. Kaya't labis na ikinalungkot ni Yahweh na nilikha pa niya ang tao. Sinabi niya, “Lilipulin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Ikinalulungkot kong nilalang ko pa ang mga ito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 6:2 mga anak ng Diyos: o kaya'y mga nilalang mula sa langit .

 神的兒子和人的女子

人在地上開始增多,又生養女兒的時候,  神的眾子看見人的女子美麗,就隨意挑選,娶作妻子。 耶和華說:“人既然是屬肉體的,我的靈就不永遠住在他裡面,但他的日子還有一百二十年。” 在那些日子和以後的日子,有巨人在地上; 神的兒子和人的女子結合,就生了上古英武有名的人物。

人類敗壞、 神滅世

耶和華看見人在地上的罪惡很大,終日心裡思念的,盡都是邪惡的。 於是,耶和華後悔造人在地上,心中憂傷。 耶和華說:“我要把我創造的人,從地上消滅;無論是人或牲畜,是爬行的動物或是天空的飛鳥,我都要消滅,因為我後悔造了他們。”

Read full chapter