Add parallel Print Page Options

Ang Paglikha

Nang pasimula, nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. Ang mundo noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na bumabalot sa mundo ay balot ng kadiliman. At ang Espiritu ng Dios[a] ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig. Sinabi ng Dios, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:2 Espiritu ng Dios: o, kapangyarihan ng Dios; o, hanging mula sa Dios; o, malakas na hangin.