Add parallel Print Page Options

Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel[a] dahil doon pinag-iba-iba ng Panginoon ang wika ng mga tao, at mula roon ay pinangalat niya sila sa buong mundo.

Ang mga Lahi ni Shem(A)

10 Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Shem:

Dalawang taon pagkatapos ng baha, nasa 100 taong gulang na noon si Shem, nang isilang ang anak niyang lalaki na si Arfaxad. 11 Matapos isilang si Arfaxad, nabuhay pa si Shem ng 500 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:9 Babel: o, Babilonia. Maaaring ang ibig sabihin, “ibaʼt iba.”