Add parallel Print Page Options

12 Siya'y magiging isang taong gaya ng mailap na asno, ang kanyang kamay laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kanya; at habang nabubuhay ay kalaban ng lahat niyang mga kapatid.

13 Kaya't kanyang pinangalanan ang Panginoon na nagsalita sa kanya, “Ikaw ay Diyos na nakakakita;”[a] sapagkat sinabi niya, “Talaga bang nakita ko ang Diyos at nanatiling buháy pagkatapos na makita siya?”

14 Kaya't pinangalanan ang balong iyon na Balon ng Nabubuhay na Nakakakita sa Akin;[b] ito'y nasa pagitan ng Kadesh at Bered.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 16:13 Sa Hebreo ay El-Roi .
  2. Genesis 16:14 Sa Hebreo ay Beer-lahai-roi .