Font Size
Genesis 17:17-19
Magandang Balita Biblia
Genesis 17:17-19
Magandang Balita Biblia
17 Muling nagpatirapa si Abraham, ngunit napatawa siya nang kanyang maisip na siya'y matanda na. Nasabi niya sa sarili, “Magkakaanak pa ba ang isang lalaki na sandaang taóng gulang na? At si Sara! Maglilihi pa ba siya gayong siya'y siyamnapung taon na?” 18 At sinabi niya sa Diyos, “Bakit hindi na lang po si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo sa akin?”
19 Kaya't sumagot ang Diyos, “Hindi; ang asawa mong si Sara ay magkakaanak ng isang lalaki at tatawagin mo siyang Isaac.[a] Makikipagtipan ako sa kanya at sa kanyang lahi magpakailanman.
Read full chapterFootnotes
- Genesis 17:19 ISAAC: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito ay “siya'y tumawa”.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.