Add parallel Print Page Options

At sinabi ni Abraham tungkol kay Sara na kaniyang asawa, Siya'y (A)aking kapatid; at si Abimelech na hari sa Gerar, ay nagsugo at kinuha si Sara.

Datapuwa't naparoon ang (B)Dios kay Abimelech (C)sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay dili iba't isang patay dahil sa babaing iyong kinuha; sapagka't siya'y asawa ng isang lalake.

Nguni't si Abimelech ay hindi pa, nakasisiping sa kaniya: at nagsabi, Panginoon, (D)papatayin mo ba pati ng isang bansang banal?

Read full chapter