Add parallel Print Page Options

31 Kaya ang lugar na iyon ay tinawag na Beer-seba,[a] sapagkat doon ay nanumpa sila sa isa't isa.

32 Matapos ang sumpaang iyon, bumalik na sa lupain ng mga Filisteo si Abimelec at si Picol na pinuno ng kanyang hukbo. 33 Pagkaalis nila'y nagtanim naman si Abraham ng punong tamarisko sa Beer-seba at sumamba kay Yahweh, ang Diyos na Walang Hanggan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 21:31 BEER-SEBA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito ay “sumpaan”.