Add parallel Print Page Options

22 Matapos makainom ang mga kamelyo, inilabas ng alipin ang dala niyang mamahaling singsing[a] at dalawang pulseras na pawang lantay na ginto, at ibinigay sa dalaga. 23 Pagkatapos, ito'y tinanong niya, “Sino ba ang iyong mga magulang? Maaari ba kaming makituloy sa inyo ngayong gabi?”

24 Sumagot ang babae, “Ako po'y anak ni Bethuel na anak nina Nahor at Milca.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 24:22 singsing: o kaya'y hikaw na inilalagay sa ilong .