Add parallel Print Page Options

45 (A)At bago ko (B)nasalita sa sarili, narito si Rebeca, na lumalabas na pasan ang kaniyang banga sa kaniyang balikat; at lumusong sa bukal at umigib: at aking sinabi sa kaniya, Makikiinom ako sa iyo.

46 At dalidali niyang ibinaba ang kaniyang banga sa kaniyang balikat, at nagsabi, Uminom ka, at paiinumin ko pati ng iyong mga kamelyo: sa gayo'y uminom ako, at pinainom niya pati ng mga kamelyo,

47 At siya'y aking tinanong, at aking sinabi, Kaninong anak ka? at kaniyang sinabi, Anak ako ni Bethuel, na anak ni Nachor, na ipinanganak sa kaniya ni Milca: (C)at inilagay ko ang hikaw sa kaniyang ilong, at ang mga pulsera sa kaniyang mga kamay.

Read full chapter