Add parallel Print Page Options

29 At nagluto si Jacob ng lutuin: at dumating si Esau na galing sa parang, at siya'y nanglalambot:

30 At sinabi ni Esau kay Jacob, Ipinamamanhik ko sa iyo na pakanin mo ako niyaong mapulang lutuin; sapagka't ako'y nanglalambot: kaya't tinawag ang pangalan niya na Edom.

31 At sinabi ni Jacob, Ipagbili mo muna sa akin ang iyong pagkapanganay.

32 At sinabi ni Esau, Narito, ako'y namamatay: at saan ko mapapakinabangan ang pagkapanganay?

33 At sinabi ni Jacob, Isumpa mo muna sa akin; at isinumpa niya sa kaniya: (A)at kaniyang ipinagbili ang kaniyang pagkapanganay kay Jacob.

34 At binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilutong lentehas; at siya'y kumain, at uminom, at bumangon at yumaon: gayon niwalang halaga ni Esau ang kaniyang pagkapanganay.

Read full chapter