Add parallel Print Page Options

19 Doon sa lambak, naghukay ng bagong balon ang mga alipin ni Isaac at nakatagpo sila ng bukal. 20 Pero nakipagtalo ang mga pastol na taga-Gerar at mga pastol ni Isaac na kanila raw ang balon na iyon. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Esek,[a] dahil nakipagtalo ang mga taga-Gerar sa kanya.

21 Muling naghukay ang mga alipin ni Isaac ng ibang balon, pero pinag-awayan din nila ito ng mga taga-Gerar. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Sitna.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 26:20 Esek: Ang ibig sabihin, pakikipagtalo.
  2. 26:21 Sitna: Ang ibig sabihin, pag-aaway.