Add parallel Print Page Options

27 At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin (A)at pinalayas ninyo ako sa inyo?

28 At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, (B)na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo:

29 Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang (C)pinagpala ng Panginoon.

Read full chapter