Add parallel Print Page Options

38 Sinabi(A) ni Esau sa kanyang ama, “Wala ka na bang basbas maliban sa isa, ama ko? Basbasan mo rin ako, ama ko.” At sumigaw si Esau at umiyak.

39 Sumagot(B) si Isaac na kanyang ama,

“Tingnan mo, papalayo sa taba ng lupa ang iyong tahanan,
    at papalayo sa hamog ng langit sa itaas;
40 mabubuhay(C) ka sa pamamagitan ng iyong tabak
    at maglilingkod ka sa iyong kapatid,
at kapag ikaw ay lumaban,
    babaliin mo ang kanyang pamatok na nasa iyong leeg.”

Read full chapter