Font Size
Genesis 30:22-24
Magandang Balita Biblia
Genesis 30:22-24
Magandang Balita Biblia
22 Sa wakas, nahabag din ang Diyos kay Raquel at dininig ang kanyang dalangin. 23 Nagdalang-tao siya at nagkaanak ng isang lalaki. Kaya't sinabi niya, “Tinubos din ako ng Diyos sa aking kahihiyan at niloob na ako'y magkaanak.” 24 At tinawag niyang Jose[a] ang kanyang anak sapagkat sinabi niyang “Sana'y bigyan ako ni Yahweh ng isa pa.”
Read full chapterFootnotes
- Genesis 30:24 JOSE: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Jose” at “Sana'y bigyan pa ng isa” ay magkasintunog.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.