Add parallel Print Page Options

“Panig sa akin ang hatol ng Diyos,” sabi ni Raquel. “Dininig niya ang aking dalangin at pinagkalooban ako ng anak na lalaki.” Kaya Dan[a] ang ipinangalan niya rito. Muling nagdalang-tao si Bilha at nanganak ng isa pang lalaki. Sinabi ni Raquel, “Naging mahigpit ang labanan naming magkapatid, ngunit ako ang nagtagumpay.” Kaya, tinawag niyang Neftali[b] ang bata.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 30:6 DAN: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Dan” at “Panig sa akin ang hatol” ay magkasintunog.
  2. Genesis 30:8 NEFTALI: Sa wikang Hebreo, ang mga salitang “Neftali” at “labanan” ay magkasintunog.