Font Size
Genesis 32:29-31
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Genesis 32:29-31
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
29 Nagtanong din si Jacob sa kanya, “Sabihin mo rin sa akin ang pangalan mo.”
Pero sumagot ang tao, “Huwag mo nang itanong ang pangalan ko.” Pagkatapos, binasbasan niya si Jacob doon.
30 Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel,[a] dahil sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Dios pero buhay pa rin ako.”
31 Sumisikat na ang araw nang umalis si Jacob sa Peniel. Pipilay-pilay siya dahil nalinsad ang buto niya sa balakang.
Read full chapterFootnotes
- 32:30 Peniel: Ang ibig sabihin, mukha ng Dios.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®