Add parallel Print Page Options

Gumawa siya roon ng altar. Tinawag niya ang lugar na iyon na El Betel[a] dahil nagpakita sa kanya roon ang Dios nang tumakas siya sa kanyang kapatid na si Esau.

Namatay si Debora na tagapag-alaga ni Rebeka. Kaya inilibing siya sa ilalim ng punongkahoy na terebinto na nasa paanan ng Betel. Tinawag iyon na punongkahoy na Allon Bacut.[b]

Nang umuwi si Jacob mula sa Padan Aram,[c] muling nagpakita ang Dios sa kanya at binasbasan siya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 35:7 El Betel: Ang ibig sabihin, Dios ng Betel.
  2. 35:8 Allon Bacut: Ang ibig sabihin, terebinto na iniyakan.
  3. 35:9 Padan Aram: Isang lugar sa Mesopotamia.