Add parallel Print Page Options

26 Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Ano ba ang makukuha natin kung papatayin natin ang kapatid natin at ililihim ang kamatayan niya? 27 Ang mabuti pa siguro ipagbili natin siya sa mga Ishmaelitang iyan. Huwag natin siyang patayin dahil kapatid natin siya.” Pumayag ang mga kapatid ni Juda sa sinabi niya.

28 Kaya pagdaan ng mga mangangalakal na Ishmaelita,[a] iniahon nila si Jose mula sa balon at ipinagbili nila sa halagang 20 pilak. At dinala si Jose ng mga Ishmaelita sa Egipto.

Read full chapter

Footnotes

  1. 37:28 Ishmaelita: sa tekstong Hebreo, Midianita. Ang mga Midianita ay posibleng isa sa mga angkan ng Ishmaelita.