Add parallel Print Page Options

15 Pero sinabi ng Panginoon kay Cain, “Hindi iyan mangyayari sa iyo! Sapagkat ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko ng pitong beses.”[a] Kaya nilagyan ng Panginoon ng palatandaan si Cain para hindi siya patayin ng kahit sinong makakakita sa kanya. 16 Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa lugar ng Nod,[b] sa bandang silangan ng Eden.

Ang mga Lahi ni Cain

17 Sumiping si Cain sa asawa niya. Nagbuntis ito at nanganak ng lalaki at pinangalanan nila siyang Enoc. Nagpatayo si Cain ng isang lungsod at pinangalanan niya itong Enoc kagaya ng pangalan ng kanyang anak.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:15 pitong beses: Ang ibig sabihin, pitong beses ang tindi ng ganti.
  2. 4:16 Nod: Maaaring ang ibig sabihin, kahit saang lugar na lang pumupunta.