Add parallel Print Page Options

16 Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa lugar ng Nod,[a] sa bandang silangan ng Eden.

Ang mga Lahi ni Cain

17 Sumiping si Cain sa asawa niya. Nagbuntis ito at nanganak ng lalaki at pinangalanan nila siyang Enoc. Nagpatayo si Cain ng isang lungsod at pinangalanan niya itong Enoc kagaya ng pangalan ng kanyang anak. 18 Si Enoc ay may anak ding lalaki na ang pangalan ay Irad. Si Irad ang ama ni Mehujael; si Mehujael ang ama ni Metusael; at si Metusael ang ama ni Lamec.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:16 Nod: Maaaring ang ibig sabihin, kahit saang lugar na lang pumupunta.