Add parallel Print Page Options

44 Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ako ang Faraon at ikaw ang aking pangalawa, ngunit kung wala kang pahintulot, walang sinuman sa Egipto na makakagawa ng anuman.” 45 Binigyan niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis.[a] Bilang gobernador, pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto.

46 Tatlumpung taon si Jose nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Pagkaalis niya sa harapan ng hari, nilibot niya ang buong Egipto.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 41:45 Heliopolis: Sa Hebreo ay On .