Add parallel Print Page Options

17 Sinunod ng alipin ang utos ni Jose at isinama ang magkakapatid.

18 Natakot sila nang sila'y dalhin sa bahay ni Jose. Sa loob-loob nila, “Marahil, dinala tayo rito dahil sa salaping ibinalik sa ating mga sako nang una tayong pumarito. Maaaring bigla na lamang tayong dakpin, kunin ang ating mga asno, at tayo'y gawing mga alipin.”

19 Kaya't nilapitan nila ang katiwala ni Jose at kinausap sa may pintuan ng bahay nito.

Read full chapter