Add parallel Print Page Options

19 Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid?

20 At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, (A)at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.

21 At sinabi mo sa iyong mga lingkod, (B)Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata.

Read full chapter