Font Size
Genesis 45:1-3
Ang Biblia (1978)
Genesis 45:1-3
Ang Biblia (1978)
Nagpakilala si Jose.
45 Nang magkagayon ay hindi (A)nakapagpigil si Jose sa harap nilang lahat na nakatayo sa siping niya; at sumigaw, Paalisin ninyo ang lahat ng tao sa aking harap. At walang taong tumayo na kasama niya samantalang si Jose ay napakikilala sa kaniyang mga kapatid.
2 At siya'y umiyak ng malakas: at narinig ng mga Egipcio, at narinig ng sangbahayan ni Faraon.
3 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, (B)Ako'y si Jose; buháy pa ba ang aking ama? At ang kaniyang mga kapatid ay hindi mangakasagot sa kaniya: sapagka't sila'y nagugulumihanan sa kaniyang harap.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978