Add parallel Print Page Options

(A)At ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Egipto bago ako naparito sa iyo sa Egipto, ay (B)akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin.

At ang iyong mga anak, na iyong mga naging anak na sumunod sa kanila ay magiging iyo; sila'y tatawagin ayon sa pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana.

At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay (C)namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata (na siya ring Bethlehem).

Read full chapter