Add parallel Print Page Options

Magpipisan kayo at kayo'y makinig, kayong mga anak ni Jacob;
At inyong pakinggan si Israel na inyong ama.
(A)Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, (B)at siyang pasimula ng aking kalakasan;
Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan.
(C)Kumukulong parang tubig na umaawas, hindi ka magtataglay ng kasakdalan,
Sapagka't, sumampa ka sa higaan ng iyong ama:
Hinamak mo nga; sumampa sa aking higaan.

Read full chapter