Font Size
                  
                
              
            
Genesis 49:2-4
Magandang Balita Biblia
Genesis 49:2-4
Magandang Balita Biblia
2 “Kayo mga anak, magsilapit sa akin,
    akong inyong ama ay sumandaling dinggin.
3 “Si Ruben ang aking panganay na anak,
    sa lahat kong supling ay pinakamalakas;
4 mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat.
    Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag;
    pagkat ang ama mo ay iyong hinamak,
    dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG) 
    Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
