Add parallel Print Page Options

23 (A)Pinamanglaw siya ng mga mamamana,
At pinana siya, at inusig siya:
24 (B)Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan,
At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay,
Sa pamamagitan ng mga kamay ng (C)Makapangyarihan ni Jacob,
(Na siyang pinagmulan ng (D)pastor, ang (E)bato ng Israel),
25 (F)Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo,
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata.

Read full chapter