Add parallel Print Page Options

24 (A)Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan,
At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay,
Sa pamamagitan ng mga kamay ng (B)Makapangyarihan ni Jacob,
(Na siyang pinagmulan ng (C)pastor, ang (D)bato ng Israel),
25 (E)Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo,
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata.
26 Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan
(F)Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan:
Mangapapasa ulo ni Jose,
At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid.

Read full chapter