Font Size
Genesis 49:26-28
Ang Biblia (1978)
Genesis 49:26-28
Ang Biblia (1978)
26 Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan
(A)Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan:
Mangapapasa ulo ni Jose,
At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid.
27 (B)Si Benjamin ay isang lobo na mang-aagaw:
Sa kinaumagaha'y kaniyang kakanin ang huli,
(C)At sa kinahapunan ay kaniyang babahagihin ang samsam.
28 Ang lahat ng ito ang labing dalawang angkan ng Israel: at ito ang sinalita ng ama nila sa kanila, at sila'y binasbasan; bawa't isa'y binasbasan ng ayon sa basbas sa kanikaniya,
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978